
Ewan ko ha pero napansin ko lang to isang araw habang nagpi facebook ako, yung and daming programming memes tungkol sa pancit canton. Na para bang pag sinabi mong programmer ay katumbas nito pancit canton, nakakatawa. Bakit nga ba?
Isa isahin natin kung bakit:
Una, pag sinearch mo yung itsura ng isang programmer sa google, ang lalabas mga lalaking nakasalamin, either mataba or sobrang payat pero mostly mataba, pero eto talaga matindi, mga itsura nila mukhang mga di nagsusuklay at naliligo eh. Magulo buhok na parang ang tagal na ring di nagupitan, pati bigote o kaya balbas meron na rin. Tapos yung mga suotan ng mga yan, longsleeve o t shirt lang, minasn nakajacket o yung flannel shirt kung tawagin. Ganoon ang stereotype look ng isang programmer talaga, kahit tignan mo man sa mga palabas. Minsan makalakat pa nga paligid ng mga yan, tapos makikita mo may kape o kaya energy drink sa tabi ng keyboard nila. Sa totoo lang, kahit sabihin kong hindi naman talaga ganon itsura ng mga programmer, aminin niyo kahit papaano may part na totoo rin yun diba?

Eto na nga, naalala ko noong mga thesis days naming, syempre sleepover yan sa bahay ng kaklase niyong laging puntahan ng barkada, ganon din kami. Madalas 3-5 members sa thesis, kami nun alam ko 5. Expect mo lahat kayo magkocode eh, pero sa totoo isa o dalawa lang talaga yan. Usually, yung isa, eto yung taga finance, yung isa moral support sa grupo, at syempre yung isa taga luto ng pancit canton yan.
Actually, special role at may award na rin yang pagluluto mo ng pancit canton sa thesis niyo. Iba diba?
Pag solo ka naman magko code sa bahay mo, yung ilang oras ka na nakaupo sa harap ng pc o laptop mo na hindi mo na mamamalayan yung oras, magugutom ka nalang makikita mo madaling araw na pala. Syempre, ano pa bang stock sa bahay mo kundi pancit canton.

Pancit canton is life talaga.
Teka, nagkwento lang ako, bakit nga ba kasi talaga?
π Dahil madali lutuin?
Unang una βto, alam natin. Instant eh. Sabayan mo na rin ng kape diba.
Pag nagkoocde ka kasi parang nakadikit ka na sa upuan mo eh na minsan makakalimutan mo na ring kumain. Yung tipong tatayo ka (minsan labag pa sa loob mo kasi baka mawala yung momentum mo sa pagcode) lang saglit ni wala pa nga atang limang minuto para magluto tapos balik upo ka uli para magcode at kumain. Aminin mo ganito ka rin? Yung tipong sobrang sarap ng pancit canton para sayo.
Oh kaya para ba madali nalang maluto ng kagrupo mo sa thesis na wala naman natulong, kasi nakakahiya naman kanya? Char
Baka required talaga? π€·
Baka required talaga na kapag programmer ka eh gusto mo na rin ng pancit canton? Nagaya sa iba? Nasanay? Tinuro? Ay ewan.
O kaya baka kasabay ng pagtuto mo sa course mo, eh natutunan din yon?
Pampahaba ng buhay? π€
Narinig ko to isang beses eh, sabi kada 6 hours na tagal kang nakaharap sa computer eh mababawasan buhay mo, paano pa tayo na halos di na nagsashutdown ng computer. Para raw pang balance ng buhay kasi pancit? Eh pancit canton yon HAHA instant. Bahala na.
Syempre kasi mura. βοΈ
Ano pa nga ba?
Di ko rin alam bakit sinulat ko βto, gutom lang siguro. Kayo ba, sa tingin niyo, bakit nga ba pancit canton?
learn more π…
πsome acronyms and principles we as programmers should know
πI received a software development internship invitation from UBX by Unionbank
πcanβt work or code continuously because of slow laptop or pc? try these steps